EVANESCE
Written
by abpppanda
Date Started: April 19, 2015
Date Finished:
Prologue
DALAWA nalang
kaming natitira...
Iyan
ang pagkakaalam ko...
Tumakbo
ako ng tumakbo...
Di ko
alam kung saan ako pupunta.
Di ko
alam ang gagawin...
Nararamdaman
ko na rin ang bawat butil ng pawis na dumadaloy sa bawat parte ng katawan ko.
Ayoko
na...
Yun ang
gustong gustong ko gawin.
Ang
umayaw.
Ang
tumigil.
Ngunit
huli na ang lahat.
Kinapa
ko ang tagiliran ko at naramdaman ko ang malagkit na likido mula rito.
Dugo.
Boses
mula sa taong yun.
Iyon
nanaman ang mala-demonyo niyang ngiti.
Naabutan
niya na pala ako…
Maya
maya'y lumapit siya sa tainga ko at bumulong...
"Kung
ako sayo..."
Dinilaan
niya ang gilid ng tainga ko, na mas nagpataas ng balahibo ko.
Kaba.
Iyan ang
nararamdaman ko…
"Tumakbo
ka na kung ayaw mong mamatay..."
Saka
niya mas diniinan ang pagkakasaksak ng kutsilyo
sa tagiliran ko na dahilan upang makaramdam akong ng mas matinding
sakit.
Hanggang
sa nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo.
Hindi ko
iniisip na mararanasan ko ang ganito…
Mamamatay
na ba ako?
“TAKBO!!!
YAN!!! TAMA ANG GINAGAWA MO!!! WAHAHAHAHA!!! TUMAKBO KA PA!!!”
Hindi ko
rin pinangarap ang ganito…
Puro
tawa lang niya ang naririnig ko…
“MALAPIT
NA AKO SAYO…. AYAN NA AKO!”
Panahon
ko na ba? Oras ko na ba?
Bakit
ba ako napasok sa larong ito? Bakit ko nararanasan ito ngayon? Kung makakabalik
lang ako… Kung di lang sana... Kung hindi ko lang sana ginawa iyon...
Yaan
huling pumasok sa isip ko bago pa man magdilim ang paningin ko.
Huli
na… Huling huli na…
[AUTHOR'S NOTE: I've been thinking of when should I post this story, up to the point that I decided to post it here on my blog since there's nothing I can post right now. I still doubt on posting it because It's still not done, I've been planning to post it when i'ts done because I update my stories once in a blue moon so I'm afraid that it will just be forgotten because of my laziness. But I posted it instead. Hahahaha. So what's done is done. I hope laziness won't bother me. ^^ Thank You Very Much. :)]
No comments:
Post a Comment